• 100% reliability
  • Wholesale only
  • Market leader in used forklifts
Pilipino
Skip to content

Kung ano ang ating pinaninindigan

Ang aming DNA

Tinatanggap ng Lisman Forklift ang mga tunay na halaga ng pamilya. Bilang transparency ng negosyo na pagmamay-ari ng pamilya, ang pagiging maaasahan at pagsasama-sama ng pangmatagalang relasyon ay nasa ubod ng aming pang-araw-araw na operasyon. Tuklasin ang aming DNA.

PH-Reliability.png

Lahat ng 75 mga katrabaho sa kompanyang pag-aari ng pamilya ay dedikado sa transparency at optimisasyon ng kalidad, pinagsasama-sama ang mga pangmatagalang ugnayan ng mga kostumer at tagapagtustos at ng mga empleyado mismo mula sa pagbuo ng Lisman Forklifts noong 1967 Sa bibihirang pagkakataon na hindi masisiyahan ang kostumer sa (mga) binili niyang makina o mga serbisyo, laging iimbestigahan ng Lisman ang sanhi at mag-aalok ng solusyong makakasisiya sa bawat isa.

Know-how.jpg

Kaalaman

Ang kaalaman sa produkto pati na sa merkado ay ang susing dulugan upang lapitan ang aming mga kostumer sa tamang oras dala ang tamang panukala sa negosyo. Higit pa, sa pagbuo ng nakamamanghang in-house na aklatan at paglalaman ng maraming kaalaman sa marami nitong mga miyembro ng kawani, laging mapapayuhan ng Lisman ang kostumer nito sa tamang direksiyon.

Real-price.jpg

Kumpetetibong presyo

Dahil sa kaalaman sa pagbili at pagbenta at pinatupad ng economies of scale, msisslok nh Lisman ang pinakamataas na ratio ng presyo at kalidad para sa anumang yunit ng gamit na makinarya na binili o binenta nito.

Sales-Team.jpg

Pangangalaga sa kostumer

Bagaman ang imahe ng pagiging maaasahan ng Lisman ay nagdulot ng pagsasagawa ng mahigit sa 90% ng mga deal sa pamamagitan ng telepono o e-mail, ang maramihang-kulturang komersiyal na kawani nito ay naghahandog ng mainit na pagsalubong sa kanilang mga bisita, hindi lamang sa pamamagitan ng pagpapakita ng stock ng Lisman ngunit pati sa pagbigay sa kostumer ng pananaw sa paraan ng pagtrabaho ng Lisman. Sa pamamagitan man ng telepono, e-mail o personal na pagbisita; lahat ng mga kostumer ay tinatrato nang may mahusay na pangangalaga at mabilis na tinutulungan hanggang posible. Upang panatiliing nasasapanahon ang mga kostumer nito sa buong mundo, nagpapadala ang Lisman ng pana-panahong mga mailing ng produkto sa buong mundo. At ang bawat aytem ng stock ay isinasapanahon sa website na ito, kung saan malawakang matitingnan ng mga kostumer ang buong stock sa tunay na oras.

PH-Wholesale.png

Bumibili ang Lisman ng mga dobleng makinarya mula sa mga OEM at mga malalaking may-ari ng fleet na inaalok ito bilang turn-key na solusyon para sa pagtatasa, pagpapadala ng pera at pagkolekta para sa anumang dami ng mga truck saanman sa mundo. Nagbebenta lang ang Lisman sa mga muling tagapagbenta at tumututok sa mga gamit nang produkto, hindi nakikipag-kumpetensiya sa mga tagapagtustos o mga kostumer nito sa pamamagitan ng direktang pag-target sa mga huling gagamit, pagbenta ng spare parts o pagalugad sa mga pagpapaupang aktibidad.

overview-hall-6.jpeg

Pagiging Naaayon at Tulin

Ang pagiging maaayon ay mahalaga upang maging matagumpay sa pagserbisyo sa napakalaking batayan ng kostumer na may magkakaibang batayan ng produkto. Samakatuwid, maaaring maserbisyuhan ang tagapagtustos at ang kostumer sa pinasadyang paraan nang hindi lumalabas sa pamantayang mga prinsipyo sa negosyo ng Lisman. Kasunod ng pagiging maaayon, ang tulin ay ang pangunahing halaga sa aming panukala sa aming mga kostumer at tagapagtustos. Nang hindi isinasakripisyo ang kalidad at pagiging tama, lahat ng mga proseso sa negosyo ay isinasagawa sa pinakamabilis na tulin.

Overview-hall.jpg

Buong sakop

Iniimbak ng Lisman ang pinakamagkakaibang dami ng gamit na makinarya sa mundo, sa pamamagitan ng paghandog ng magkakaiba sa mahigit 1,600 na yunit mula sa tatlong lokasyon na mas mababa sa 250 metro ang layo sa isa’t-isa. Ang magkakaibang mga kategoryang inaalok namin ay: Mga Forklift truck, Warehouse truck, Pang-access na Kagamitan, Telescopic Handler, Mga Kagamitan sa pamamahala ng Container, Side loader at Mga Industriyal na Traktora. Lahat ng 1,600 + na makina na aming nakaimbak ay nilinis, sinuri at handa nang maipadala.

Testing.jpg

Kalidad

Ang kalidad at patuloy na pagpapabuti ay mga pangunahing aspeto sa pagtrato ng mga produkto at mga proseso ng negosyo ng Lisman. Lahat ng mga makina ay nililinis, teknikal na sinusuri sa maraming checkpoint at kinukumpuni kapag kalangan. Pinapalitan din ang mga opsyonal na nagagastang piyesa (katulad ng mga upuan at gulong). Pinahihintulutan din nito ang Lisman na ipatas ang pagtatasa nito ng kalidad patungo sa mga kostumer. Ang pag-iimbak ng mga yunit na handa nang maipakita ay nagbibigay din sa preserbasyon ng kalidad. Susunod sa pagtutok sa kalidad ng produkto, pinagsisikapan din ng Lisman ang patuloy na pagpapabuti ng mga proseso nito sa negosyo sa pagpapahusay sa tulin at pagka-episyente ng operasyon.

PH-Used forklifts.png

Ang muling pagmemerkado ng gamit nang kagamitan sa pamamahala ng materyales at pang-access na kagamitan ay ang ginagawa namin. Kung pumasok ang mga truck sa una, ikalawa o ikatlong buhay; may seserbisyohang batayan ng kostumer ang Lisman. Sa pagiging espesyalista sa pagbebenta ng gamit na makinarya sa maraming magkakaibang bahagi ng merkado at naghahandog din sa mga kostumer nito ng posibilidad na mag-trade in ng mga makina, piniprisinta ng Lisman ang sarili nito bilang numero unang tagakalakal ng gamit nang kagamitan sa pamamahala ng materyales.

Transport-and-logistics-3.jpg

Dagdag na halaga

Kasama ng makina, maaaring mag-alok ang Lisman ng mga karagdagang produkto at serbisyo katulad ng mga aksesorya, transportasyon, (CE) na dokumentasyon, mga teknikal na manwal, at mga termino ng pagbabayad na pinatotohanan ng bangko.

Innovation.jpg

Inobasyon

Ang pagpapaunlad ng produkto at merkado ay mahalaga para sa makabagong istratehiya ng Lisman, kung saan patuloy ang kompanyang naghahanap ng mga bagong produkto at merkado na isasama sa format ng negosyo nang hindi nawawala ang malinaw na mga prinsipyo at mga sinerhiya nito.

Quik-scan-6.jpg

Paano tayo nagtatrabaho

Sa paglipas ng mga taon, lumikha ang Lisman Forklifts ng mga advanced na pamamaraan tungkol sa pagseserbisyo, paglilinis at pag-aayos ng mga ginamit na forklift at kalabisan na makinarya. Ang lahat ng mga aktibidad at proseso ay maingat na pinagsama-sama at isinama sa loob ng aming Garantiyang Kalidad ng Lisman.

1967-Anton-Lisman.jpg

Ang ating kasaysayan

Pagkatapos ng higit sa 50 taon ng matatag na paglaki, aktibong naglilingkod ang Lisman Forklift sa mga propesyonal sa paghawak ng materyal sa mahigit 80 bansa. Ipinagmamalaki naming ibahagi sa iyo ang aming kuwento.